Saturday, April 12, 2003

Pamumuni-muni

Ang sabi'y manahimik
magpanggap at ngumiti
ika'y ligaw ba?
ano tong pagmamadali?

mundong ilang ulit binasag
ilang ikot nalampasan
wala man tamis na nadagdag
Kamusmusan ba and dahilan?

alam kong ika'y di sanay
lugar na aking binalingan
mga palad ko'y pawis na
kasama sa sikreto'y buwan lang

pagkakataon ma'y di sapat
upang hangari'y mailahad
ito may malinis at tapat
minsa'y iba ang nabubungad

sa ngalan ng pagibig, karangalan
bakit minsa'y mukhang kahibangan
may magagawa ka ba kaibigan?
o hanggang dun mo lang ako matitignan

0 Comments:

Post a Comment

<< Home